‘Writ of kalikasan’ inilabas ng Supreme Court

NAGPALABAS ang Korte Suprema ng “writ of kalikasan” na nag-aatas sa Protected Area Management Board na iwasan ang pagpapalabas ng clearance para sa operasyon ng mga fish cage sa Lawa ng Taal sa Batangas.

Ang writ of kalikasan ay isang legal remedy na pumipigil sa anumang grupo sa pagpapatupad ng mga proyekto na makakasira sa kalikasan.

Ang kautusan ay nag-ugat sa inihaing petisyon ng Agham Party-list sa hangad na mapigil ang patuloy na paglapastangan sa Taal Lake.

Kasabay nito, idinulog din ng Korte Suprema ang kaso sa Court of Appeals na didinig at tatanggap ng mga ebidensya na may kinalaman sa nasabing isyu.

Sa petisyong inihain ni Agham Party-list Rep. Angelo Palmones, tinukoy na noong 2003, bumagsak ng 80 porsyento ang mga huli ng isdang tawilis na endemic o  katutubong isda nmatatagpuan lamang sa Taal Lake.

Noon din umanong nakalipas na taon, aabot sa mahigit 2,000 metriko tonelada ng isda na nagkakahalaga ng P148.7 million ang naapektuhan ng fish kill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply