Written interrogatories ni Trillanes iniurong

HINDI na padadalhan ng written interrogatories ang Senate Impeachment Court kay Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno para dumalo sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na bawiin ni Sen. Antonio Trillanes IV ang panukala niya, sa isinagawang caucus.

Nabatid kasi na maaari lamang mai-a-apply ang pagpapadala ng written interrogatories sa mga partido ng kaso. At si Sereno ay hindi kabilang sa impeachment case ng punong mahistrado.

Pinayuhan ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang prosekusyon ang bahala kung papaano nila mapapapayag si Sereno na boluntaryong dumalo sa impeachment trial.

Magugunitang noong Pebrero 14 pa nagpalabas ang Supreme Court ng resolusyon na hindi pinapayagan ang mga empleyado nito na humarap sa mga kagayang paglilitis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply