Ynna Asistio kayang tapatan ang kayang gawin ni Anabelle Rama

OBVIOUS na hindi komportable si Ynna Assitio dahil sa pinagdaraanan ng buhay ng kanyang pamilya sa away ng ina kay Annabelle Rama.

Nagkwento si Ynna sa ilang reporter kung paano ang ginagawa niya para di ma-feel ang pressure ng naturang away.

Sa ngayon kasi, at lalo na nung nag-uumpisa pa lang ang away, talaga namang naging madugo’ng epekto nito kay Ynna.

Sa ngayon daw, si Annabelle Rama pa rin ang manager niya dahil sey nga niya, “’yun nga po ang reason kung bakit nagkakaroon ng demanda, ayaw po niya kaming i-release.”

Pero dahil nga sa problema nila, siyempre ay hindi na raw nakaka-function as a manager sa kanya si Annabelle kaya siya na raw ang naghahanap ng project para sa kan- yang sarili.

“Ako na po lahat, pati ang pakikipag-usap. Kahit po ’pag dumadaan sa mommy ko (Nadia Montenegro), pino-forward na niya sa akin. Kasi, ang akin lang naman po, kaya ko rin naman po.

“Kumbaga, ang gusto ko lang i-prove sa kanya (Annabelle) ngayon, kahit na manager ko pa rin siya, na kahit paano, kaya kong mabuhay or gumawa ng paraan para sa sarili ko pagdating sa trabaho.”

Ayon kay Ynna, ang alam daw niya ay hanggang 2013 na lang ang kontrata niya kay Annabelle pero naiba raw ito.

“Isa rin po sa ipinaglalaban ni mommy, iniba niya po ang contract ko, ginawa niyang 5 years instead of 3 years. So, ’yon ’yung ipinaglalaban niya sa amin, ang pinirmahan daw namin is 5 years. Ang totoo po nu’n, 3 years lang.

“So, hindi po namin alam kung paano nangyari ’yun. Kaya ang hirap po kasi ’di ba, sabi ko nga, kung ganu’n, kahit na mahirap sa akin na ngayon, ako nga po ang kumukuha ng trabaho, ako lahat, may komisyon siya, parang okay na rin, para wala na rin siyang masabi.

“Basta ang alam ko, hindi ko siya pinahihirapan kagaya ng ginawa niya sa amin,” sey pa ni Ynna.

Ano bang pahirap ang ginawa sa kanila ni Annabelle?

“Dami po, kasi po kahit magpa-Pasko at magnu-New Year nu’n, talagang hindi po kami tinigilan. Ang alam ko po, ginagawa niya talaga ang lahat para sumuko si mommy, pa- ra tumigil na magdemanda or tumigil na ipaglaban ’yung case.

“So ako po, nakasuporta lang ako kay mommy kasi alam ko, tama ang ginagawa ng mommy ko.”

Natanong din namin kay Ynna ang tungkol sa tsismis sa mommy niya at kay JM de Guz- man. Ayon sa dalaga, friend daw nila ang nasabing Kapamilya actor.

“Ang maganda kasi sa mommy ko, kung sino ’yung kaibigan namin, kaibigan niya. Na-link din naman siya kay Mark (Herras, her boyfriend) ’di ba? Lahat talaga ng lalaki, nili-link sa mommy ko.

“Ang masasabi ko lang, wala talaga akong magagawa kung ang mommy ko, close sa mga kaibigan ko at wala akong magagawa kung mabait ang nanay ko sa mga kaibigan ko. Lahat nga ng kaibigan ko nagpapasalamat na kaibigan nila si mommy, eh.

“So, ako, bahala na po kung ano ang isipin ng mga tao. Masaya lang po ako na ang mga kaibigan ko, nakakahanap ng isa pang nanay sa nanay ko.

“Sobrang kapatid na po ang turingan namin ni JM, sobrang close po talaga kami sa kanya. Kung ano ’yung nangyari kay Mark noong una, ganundin kay JM.

“Pero nung naiisyu-isyu na, medyo umiwas na rin kasi parang ano ba ’yan, naaawa na nga ako sa nanay ko, parang lahat na lang, pati ba naman mga bata, ili-link pa?” sey ni Ynna.

***

Lalaban na kay Amy Perez?
Atty. Persida Acosta araw-araw na sa television!

HINDI after sa rating ng show si Attorney Persida Rueda Acosta kundi ang makatulong at magampanan ang tungkol sa public service show niyang Public Atorni: Asunto O Areglo ng TV5. Kaya naman kahit nagpalit sila ng timeslot ng Face To Face ni Amy Perez simula this week, ipinagdiinan niyang walang kumpetisyon at wala silang away ng TV host-actress.

After one year sa ere on a weekly time slot, araw-araw na ang “mediation on air” program ng Public Attorney’s Office Chief. Pero walang conflict sa show nila ni Amy na halos magkapareho ng tema?

“Pareho ng batas ang ina-apply pero magkaiba ang pangyayari sa tunay na buhay. Ito po ang pagkakaiba namin. Sa umpisa pa lang ay binabawal ko na ang murahan. Bawal ang suntukan sapagkat ito po ay aura ng isang courtroom kung saan may kapangyarihan ang aming opisina na mag-mediate. Kasi po, mula po nang ako ay umupo, mahigit kalahating milyong mediation cases ng hinawakan ng PAO,” pahayag niya at ipinakita sa video ang bilang ng mga kasong naresolba ng office niya sa pamamagitan ng mediation.

Pero nilinaw ni Atty. Persida na walang conflict sa trabaho niya ang taping ng kanyang show dahil tuwing Sabado at Linggo ang pakikipagharap niya at paggawa ng solusyon sa mga taong hindi nagkakaunawaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply