Yumul hindi demoted – PAGASA

HINDI raw na-demote si Department of Science and Technology (DOST) undersecretary Graciano Yumul.

Ayon kay Mon Liboro, director for information ng DOST, inalis lamang ang isang tungkulin na naka-atang kay Yumul dahil kailangan nitong mag-focus sa isa pa nitong hawak na posisyon bilang undersecretary ng DOST Research and Development.

Matatandaang iniatang kay Yumul ang trabaho bilang supervising undersecretary ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration- Department of Science and Technology (PAGASA-DOST).

Naging permanente na umano ang posisyon ni Dr. Nathaniel Servando bilang PAGASA Administrator na unang itinalaga bilang officer in charge (OIC) noong 2010 matapos sibakin ni Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III  si Dr. Prisco Nilo dahil sa umano’y pumalpak na forecast sa Bagyong “Basyang.”

Ani Liboro, talagang undersecretary for research and development si Yumul kaya hindi totoo ang balitang demoted ito dahil sa palpak na weather forecast report sa Bagyong “Sendong.” Nenet L. Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply