‘A man of his word’ di puwedeng basagin ninoman

“A man of his word.”

‘Yan kung turingin sa National Irrigation Administration (NIA) si Administrador Antonio S. Nangel ng NIAns. Halos kaliwa’t kanan ang kumakalat  na mga text message ngayon laban kay Nangel sa ahensya.

Ang unang isyu sa text message ay bilang na raw ang mga araw ni Nangel sa NIA na kahit pa si Agriculture Sec. Proceso J. Alcala ay hindi na siya kayang isalba mula sa delubyong bumulusok na tubig mula sa gumuhong dam na tatangay pababa sa puwesto ni Nangel. Gayunman, buo pa rin ang tiwala ni Alcala kay Nangel dahil sa suporta sa kanyang mga programa bilang kabalikat ng Department of Agriculture.

Solido rin ang suporta ng Association of Regional Directors and Operations Managers (ARDOMA) sa pamumuno ng leader nitong si Engineer Vic Galvez at iba pa.

Ikalawang isyu, ipinagkaloob ng buong tiwala kay Nangel ang isang project mula kay Judge P na dating naka-assign sa Cabanatuan City na katunayan ay sarado na ang kanilang deal.

Ikatlo,malambot ang ilong ni Nangel. Kailan man ay hindi siya puwedeng  takutin ng sinomang gustong mang-extort o bumabanat sa kanya.

Pang-apat na isyu, si Nangel  ay “very promising man or a man of promise because he allegedly makes a lot of promises.” Kung tutuusin, bago siya nailagay sa NIA post ay isa lang ang ipinangako niya: ang ibabahagi niya sa mga manager ng NIA ang kanyang pagka-eksperto sa irrigation water management para maisulong ang layunin ng gobyerno sa kasapatan sa pagkain.

TALAMAK PA RIN ANG VK SA ALAMINOS

Wala pa ring tigil ang operation ng VK ni Jojo ng Alaminos, Laguna.

Inutil pa rin sina Mayor Eladio Magampon at COP Maj. Jospeh Laureta.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply