‘Bala’ para kay Corona pinasasalo sa asawa

TILA hindi gawain ng isang tunay na lalaki ang gagawing pagsangkalan ng kampo ni Chief Justice Renato Corona sa kanyang misis kaugnay sa kasong impeachment na kinakaharap nito sa Senado.

“Hindi ito asal ng isang tunay na lalaki. Sinong matapang na lalaki ang ipansasanggalang ang kanyang misis para sa ‘bala’ na dapat ay laan sa kanya? Hindi niya dapat hayaan ang kanyang asawa na tumugon sa mga katanungang dapat siya mismo ang sumagot,” ani Deputy Speaker Erin Tañada, tagapagsalita ng prosekusyon mula sa Kamara de Representantes.

Ginawa ni Tañada ang pahayag matapos sabihin ng pangunahing tagapagtanggol ni Corona na si dating associate justice Serafin Cuevas na isa si Ginang Corona sa mga ihaharap na testigo ng depensa para pasinungalingan ang mga bintang laban sa punong mahistrado.

Samantalang pinag-aaralan pa umano ng depensa kung isasalang din nila si Corona sa witness stand.

Hamon ni Tañada kay Corona, humarap ito sa Senado at huwag ipananggalang ang kanyang may-bahay.

Aniya, may mga tanong na tanging ang punong mahistrado lamang ang nakakaalam ng kasagutan.

Dagdag pa ng senador na ito na ang tamang pagkakataon ni Corona na bigyang-linaw ang misteryo ng mga hindi maipaliwanag na yaman niya at ang mga isyu na may kinalaman sa laging pagkiling niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Dapat din aniyang ipaliwanag ni Corona kung bakit siya dapat manatiling punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply