‘Kulang sa gamit’, dahilan ng matagalang sunog sa Grand Central

KAKULANGAN sa gamit ang itinuturong dahilan kung bakit nahirapan ang mga bumbero na agad maapula ang apoy sa sunog sa Ever Gotesco Grand Central Mall.

Sa panayam kay Oscar de Asis, Caloocan City fire marshal Superintendent, sa panayam sa telebisyon, kulang ang kanilang mga kagamitan tulad ng breathing apparatus upang tuluyang maapula ang sunog.

“Yes, we lacked equipment, including breathing apparatuses. We’ve been trying to put out this fire for more than two days already. We are tired, including the volunteers,” ayon kay de Asis.

Ayon pa kay De Asis, ang modernization program ng ahensya ay naka- pending pa rin.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply