One hour sunbathing pa wish ni GMA sa korte

HINILING sa korte ng kampo ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo na bigyan pa siya ng isang oras na pagpapaaraw sa labas ng Veterans Medical Hospital sa Quezon City.

Ang kahilingan ni Gng. Arroyo ay kaugnay sa kanyang kakulangan sa Vitamin D.

Nauna rito, pinahintulutan ni Pasay City Regional Trial Court branch 112  Judge Jesus Mupas ang kahilingan ng kampo ni Arroyo noong December 21 na makapagpa-araw sa labas ng kanyang kuwarto sa loob ng isang oras sa umaga.

Sa panig ng abogado ng Commission on Election (Comelec), bagaman wala silang pagtutol sa bagong kahilingan ni Gng. Arroyo, iginiit naman nila kay Judge Mupas na dapat pa ring magsumite ng pinakahuling medical bulletin ang kampo ni Arroyo.

Samantala, kaugnay sa bail hearing na ginanap sa branch 112 ng Pasay City RTC laban kina Gng. Arroyo at dating election supervisor Lintang Bedol, iniharap naman ng Comelec ang kanilang testigo na dating chairman ng special board of canvasser ng Pagalungan, Maguindanao.

Inihayag nito sa korte na kaya nabuwag ang kanilang grupo ay  hindi nakompleto ang pagbibilang sa 55 presinto sa kanilang lugar at ginawa sa ilalim ng pamamahala naman nitong si Lintang Bedol.

Mula sa 55 presinto, 19 lamang ang nabilang at sila na ang tumapos sa pagbibilang sa 36 na presinto na malinis at wala aniyang naganap na tampering, hindi rin na-turn over sa pangangasiwa ni Bedol at dineretso na sa Comelec.

Umamin din ang testigo na hindi niya personal na kilala si Bedol at sa puntong iyon ay nakakita ng butas ang abogado ni Bedol na si Atty. Reynaldo Princesa para magkomento at sinabing sa mismong pahayag ng testigo ng prosekusyon na naging malinis ang bilangan at hindi nito kilala ang inaakusahan kaya walang kinalaman si Bedol sa kaso.

Naging pahero rin ang posisyon ng abogado ni Gng. Arroyo sa katwiran ng abogado ni Bedol para sa kanyang kliyente.

Ipagpapatuloy ang bail hearing sa susunod na Huwebes, Marso 29.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply