1 sa 6 na gasolinahan may daya ang pump

ISA sa bawat anim na gasolinahan sa Metro Bacolod City ay nadiskubreng may under calibrated gas pump sa isang random inspection na isinagawa ng isang binuong task force para dito.

Sa anim na gasolinahan na pawang mga key player sa industriya, tatlo ang may depekto ang city permit, Nagbebenta ang mga ito ng LPG na hindi naman nakasaad sa permit nito. Ang isa naman ay nagbebenta ng gasolina samantalang sa permit nito ay langis at lubricants lang ang nakadeklarang produkto.

Agad na pinapunta ang mga ito sa city hall para ayusin ang kanilng mga permit.

Isa namang gasolinahan ang nahuling kulang o under calibrated ang gas pump, kung saan ang kulang ay 120 milliliters (ml).

Nang tanungin ang may-ari nagdahilan ito na bihira umanong gamitin ang nasabing gas pump.

Ang diperensya umano sa variance ng gas pump ay siyang magdidikta kung magkano ang magiging multa nito sa City Treasurer, subalit ang magiging multa sa unang paglabag ay P3,000.

Sa batas , pinapayagan ang mga gasolinahan na magkaroon ng variance na 50 ml. Subalit kapag humigit doon ay magkakaroon na ng paglabag.

Ayon sa panuntunan ng Department of Energy, araw-araw dapat kina-calibrate ang mga gas pump ng mga gasolinahan upang malaman kung eksakto ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply