1-taon palugit sa ‘phase-out’ sa plastic hiniling

HINILING ng mga negosyante ang isang taong palugit para sa ‘pag-phase-out’ o pagbabawal ng plastics na ipinatutupad na ngayon sa Lucena City.

Ang kahilingan ay inihain ng mga negosyante sa pamamagitan ng dayalogo ng pamahalaang lungsod kaugnay ng pagpapatupad ng City Ordinance No. 2367 na may pamagat na “An ordinance regulating the use and sale of all single-use plastic bags, bottles, wrappers, containers and stryrofoam and other non-ecological friendly materials in department stores, malls, groceries, bakeries, restaurants, eateries and others within the territorial jurisdiction of Lucena and prescribing penalties thereof.”

Layunin ng dayalogo na malaman ang opinyon at panig kapwa ng mamamayan at negosyante na maaapektuhan kapag tuluyan nang ipinatupad ang ‘phase-out’ period ng plastics at iba pang tinutukoy sa ordinansa.

Ipinaliwanag ni Konsehal Leny Papa na ang nilalaman ng bawat probisyon ng ordinansa habang naglahad naman ng kani-kanilang saloobin ang mga dumalo mula sa sektor ng mga magtitinda sa Lucena public market, non-government organizations, Filipino-Chinese Chamber of Commerce (FCCC), mga opisyal ng barangay at mga kawani ng pamahalaang lungsod.

Nag-ulat din si Ibarra Quinto ng Task Force 9003 ng kasalukuyang estado ng pinagdadalhan ng basura ng lungsod na nasa 55 tonelada ng basura ang kanilang nakokolekta na nagiging dahilan ng pagkapuno ng mga tambakan na karamihan ay plastics.

Binanggit ni Konsehal Papa na mag-iiba rin ang sistema ng koleksyon ng basura dahil hihigpitan na ang pagkuha sa mga ito at tanging non-recyclable at residual waste na lamang ang kokolektahin ng trak ng basura.

Samantala, ipinaliwanag ni Bong Diaz, executive assistant ni Mayor Barbara Ruby Talaga na sapat na ang isang taon para sa phase out period at sapat na rin itong panahon upang unti-unti nang sanayin ang paghihiwalay ng mga basura at hindi paggamit ng plastic.

Sa panig naman ng executive department ay pagkakataon naman nila para ayusin at repasuhin ang ilang probisyon sa ordinansa na nangangailangan ng pag-amyenda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply