1 utas, 2 sugatan sa engkuwentro sa Maguindanao

NATODAS ang isa habang dalawa ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang namatay na si Kuranding Akil habang ang dalawang nasugatan ay kinilalang sina Watari Mamaluba at Kautin Abedin na sinasabing mga lost command.

Batay sa ulat ng 6th Infantry Division, hinaharas ng mga armado na pinamumunuan ni Kumander Zik Zukarno, ang mga magsasaka sa Barangay Tunggol sa bayan ng Salipada K. Pendatun at Brgy. Bagumbayan sa President Quirino Sultan Kudara Province.

Dahil dito, rumesponde ang militar at nagkaroon ng putukan sa magkabilang panig na tumagal ng isang oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply