10 embahada tuloy na isasara – DFA

TULOY NA TULOY na ang pagpapasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa 10 foreign service posts nito dahil sa kakapusan sa budget.

Ani Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, kasama sa isasarang embahada at konsulada ng Pilipinas ay ang nas aKoror, Palau; Caracas, Venezuela; Barcelona, Spain; Stockholm, Sweden; Dublin, Ireland; Frankfurt, Germany; Havana, Cuba; Saipan; Bucharest, Romania at Helsinki, Finland.

Ang gagawing hakbang ay bahagi ng rationalization program ng DFA.

Tiniyak naman ng kalihim na ang mga honorary consul na may direktang ugnayan ang trabaho sa mga OFW ay itatalaga sa ibang puwesto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply