10 Pinoy seamen bihag ng Somali pirates

SAMPUNG Filipino seamen ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bihag ng Somali pirates.

Ani DFA Spokesman Raul Hernandez, hinaydyak ng mga pirata ang Iranian-owned vessel na MV Eglantine sa India noong Marso 26 kung saan nagtatrabaho ang nasabing mga tripulante.

Agad namang inatasan ng DFA ang embahada ng Pilipinas sa Nairobi, Kenya at Manama, Bahrain na makipag-ugnayan sa Combined Maritime Forces (CMF) para i-monitor ang negosasyon sa pagpapalaya sa 10 Pinoy.

Kailan lamang ay may 21 Pinoy crew din ang binihag ng piratang Somalia noong nakaraang Pebrero.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply