10-wheeler truck pinasabog sa Surigao

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang pagsabog ng isang landmine sa Sitio Kabalawan, Brgy. Anajao Da-an, Surigao City.

Napinsala sa pagsabog ang isang 10-wheeler sprayer truck na pagmamay-ari ng Dole Stanfilco at minamaneho ni Glenn Madrona Lumactod, 39, ng Brgy. Unidos, Tago, Surigao del Sur.

Nabatid na itinanim ang pampasabog sa ilalim ng sasakyan ng pitong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), sinasabing pinangunahan ng isang alyas Asari.

Hinala ng pulisya na panakot ang pangunahing motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply