100,000 e-trike sasabak na sa lansangan

SASABAK na sa lansangan ang may 100,000 electric tricycle (e-trike) sa buong bansa kasunod ng pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa P21.5 billion pondo para sa paggawa nito.

Sa naturang programa na makatitipid ang pamahalaan ng 2.8 porsiyento o 560,926 na bariles ng langis.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Cayetano Paderanga, Jr. ang electric tricycle ay aprubado na rin ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Balak ng pamahalaan na ipautang sa mga tricycle operator sa pamamagitan ng “lease to own” agreement para mapalitan na ang kanilang de-gasolinang trike.

Ang e-tricycle ay walang polusyon at gagastos lang ng P30 hanggang P50 araw-araw kumpara sa de-gasolina na P200 hanggang P300 ang konsumo kada araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply