100 days ni RG Mujiv S. Hataman

INULAN ng batikos si PNoy nang magpasyang ipagpaliban ang ARMM eleksyon nung Agosto 2010 sa pamamagitan ng pagsertipika bilang urgent sa pagsasabatas ng RA 10153 at italaga bilang OIC Regional Governor ang dating Anak Mindanao Partylist Rep. Mujiv S. Hataman para ipatupad ang reform agenda sa nasabing rehiyon.

Pero biglang nagbago ang ihip ngayon ng panahon at sa loob lamang ng halos isandaang araw ng panunungkulan ni RG Hataman ay nakitaan ng bagong sigla ang pamamalakad ng gobyerno sa ARMM.

Ang pagkatig ng Supreme Court sa hangarin ni PNoy na mareporma ang ARMM ay nagbigay ng senyales para tuluyang itulak ang matagal nang planong pagsasaayos ng structural problems sa nasabing rehiyon.

Nawalan ng gana, diumano ang mga kritiko ni PNoy nang malaman na halos walang tulog na tinrabaho ng grupo ni RG Hataman ang lahat ng makitang problema na iniwan ng mga nakaraang administrasyon sa ARMM at mabigyan ng kagyat na solusyon.

Ang dating talamak na nakawan sa mga ahensya ng gobyerno sa loob ng ARMM ay masasabing nasawata kundi man gaya ng mga pangyayari sa national level na nabigyan ng kaukulang pansin para matigil nang tuluyan.

Wala na ang ghost teachers at ilang mga katiwalian na naging sakit sa ulo ng mga naupong administrasyon.

Gaya ng nasabi ni Fr. Jun Mercado, ito ay umpisa ng isang biyahe tungo sa maaliwalas na bukas dahil ngayon lang nadama na me totoong governance sa ARMM sa matagal ng panahon.

Bagamat me mga maliliit pa rin na “kinks” sa pagpapatupad ng reporma, ito, ayon sa mga tagamasid ay dulot ng mga taong nasagasaan ng mga pagbabago.

“Kahit naman saan ay me laging extremists na kahit anong gawin ng taong gustong magpatupad ng reporma ay laging umaangal at sila yan,” ayon ke ARMM Executive Secretary Anwar Malang.

Sa pangkalahatan, ang 100 days ni RG Hataman sa ARMM ay hindi lamang hulog ng langit kundi biyaya na dapat bigyan pansin para maging pamantayan ng iba pang pulitiko na uupo sa ARMM na gumawa ng mabuti para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng mga maliliit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply