103 nurses, caregiver palipad na pa-Japan

AABOT sa 103 nurses at caregiver ang lilipad na patungong Japan upang sumailalim sa pagsasanay sa mga ospital doon.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ang 75 caregiver at 28 nurses ay ika-apat na sa batch ng mga Pinoy na manggagawa na sumailalim sa Japan-Philippines Economic Partnership Agreement.

Inihanda ang ika-apat na batch matapos ang naunang grupo na nagtungo sa Japan kung saan 13 nurse ang nakapasa na sa 2012 Japan National Licensure Examination for Nurses at umabot naman sa 15 ang kabuuang bilang ng mga pumasa galing sa bansa mula noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply