11-anyos na sakristan nagbigti sa simbahan

MAY duda ang pulisya sa pagpapakamatay ng isang binatilyo na ikinasa sa loob mismo ng simbahang pinaglilingkuran nito bilang sakristan sa Catanduanes.

Bukod sa may murang kaisipan at alagad pa ng simbahan, malaking palaisipan para sa Viga Municipal police station kung bakit sa loob ng Viga Parish Church pa isinagawa biktimang si Jonas Adan, 11-anyos, ang kanyang pagpapakamatay.

Dahil dito, nakatakdang makipag-usap ang pulisya sa pamilya ng biktima para malaman kung ano dahilan ng bata para kitilin ang sariling buhay sa kabila ng paglilingkod nito sa simbahan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen kaninang umaga (Marso 3) ni Father Jesus Lopez sa may hagdanan ng naturang simbahan na nasa Barangay Asuncion.

Bago ito, hinahanap ni Fr. Lopez ang biktima upang tulungan siyang magbukas ng mga pintuan ng simbahan para sa pagsisimba ng mga deboto.

Sa kanyang paghahanap, napansin niya na may bagay na nakasabit sa ilalim ng hagdanan at nang kanyang lapitan ay bumungad sa kanya ang bangkay ng naturang sakristan na may nakapulupot na nylon cord.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply