11-anyos pinana ng 9-anyos utol sa Aklan

ISANG onse-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang tamaan ng pana sa batok matapos aksidenteng tamaan ng kanyang siyam na taong gulang na kapatid habang naglalaro ng palaso sa Aklan sa report ng mga pulisya.

Sa ulat sa Camp Crame, isang pana na ginagamit sa pangingisda ng ama ng biktima at salarin ang tumama sa batok ni Joven Villanueva, ng Barangay  Lumaynay, Altavas, Aklan.

Agad na itinakbo ang biktima sa Aklan Provincial Hospital upang maoperahan na kasalukuyan ay nasa malubha pa ring kalagayan.

Base sa impormasyon, habang nakatalikod ang biktima sa palayan ay aksidenteng nakalabit ng kanyang nakababatang kapatid ang pana at tumama sa batok ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply