12 patay sa AH1N1 virus sa India

PATAY ang 12 katao sa AH1N1 virus outbreak sa India ngayong buwan.

Ang kalahati sa mga namatay ay nagmula sa estado ng Maharashtra habang may napaulat ding namatay sa Rajasthan, Andhra Pradesh at Karnataka.

Nagpositibo rin ang 130 pa sa swine flu na kasalukuyang nakaratay sa mga ospital.

Hindi naman malinaw ang sanhi ng biglaang outbreak ng virus na naging dahilan ng pagkamatay ng 490 sa India simula nang matukoy ang virus noong 2009.

Ayon kay Health Secretary PK Pradhan, mino-monitor na ng pamahalaan ang sitwasyon ng nasabing sakit.

Bukod dito, inatasan na rin aniya ang mga apektadong estado na sikaping mapigilan ang pagkalat ng virus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply