Panahon lalo pang iinit- PAGASA

INANUNSYO kaninang umaga (Marso 7) ng state weather forecaster na mas lalo pang iinit ang panahon sa darating na mga araw, kaya pinapayuhan ang publiko na magsuot ng komportableng damit at magpahid ng sunblock sa katawan hindi lamang ang mga kababaihan kundi maging ang mga kalalakihan.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PASAGA) na ang init ay sanhi ng ridge ng isang high-pressure area na tumatama sa kabuan ng Luzon.

“Umpisa pa lang ng summer, kaya maghanda-handa na tayo ng pananggalang sa init at suoting presko at hindi makapal. Ang lalaki dapat may sunblock din,” pahayag ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez sa isang kapanayam.

Nitong Martes ng tanghali, dakong ala-1:54, napansin ng PAGASA na ang temperatura sa Metro Manila ay sumirit sa 34.4 degrees Celsius, na gabuhok lamang ang ibinaba sa 34.5-degree temperature nitong nakaraang Marso 3.

Ang temperature nitong Marso 3 ay ang kasalukuyang pinakamainit ngayong taon, pero sinabi ng PAGASA na may indikasyon pa na ang panahon ay lalo pang iinit habang papalalit na ang tag-araw.

Sa kabilang dako, sinabi ng PAGASA na ang easterlies o hangin na mula sa silangan ang umiiral sa kabuuan ng eastern section ng Visayas at ng Mindanao.

“The eastern section of Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms. The rest of the country will have partly cloudy to at times cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms mostly in the afternoon or evening,” ayon sa PAGASA bulletin kaninang alas-5:00 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply