DOH nakapagtala ng 212 bagong kaso ng HIV

MAY naitalang 212 bagong kaso ng Human Immundeficiency virus (HIV) ang Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang nasabing bilang na naitala nito lamang Enero 2012 ay mas mataas kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon na may 152 kaso.

Nabatid na karamihan sa mga bagong kaso ay lalaki na may 96 na porsiyento at nasa edad na 27 pataas  (age range: 7 to 56).

Lumalabas na 61 porsiyento ng bagong kaso ay mula naman sa grupo na may eadd na 20-29.

May 58 porsiyento naman ay mula sa National Capital Region. Sinundan ito Region 4-A (12 porsiyento), Region 3 (walong porsiyento) at Region 11 (pitong porsiyento).

Batay sa datos, simula noong 1984, may 342 na ang namamatay sa AIDS at isa sa kanila ang nasa edad lamang na pitong taong gulang.

Naalarma naman ang kagawaran sa pagtaas ng nasabing kaso ng sakit dahil apat sa limang bagong kaso ang naiiuulat araw-araw.

Ayon pa sa DOH, mula sa 212 HIV positive cases, apat dito ang iniulat na AIDS cases at sila ay pawang mga lalaki, habang tatlo naman ang nahawa sa pamamagitan ng homosexual contact at mother to child transmission.

Aminado naman ang kagawaran na nitong Enero ay may 17 blood units ang nakumpirmang positibo ng HIV.

Ang kontaminadong dugo ay ipinadala naman sa Research Institute for Tropical Medicine.

Nagbabala naman DOH na posible pang lumubo hanggang 45,000 ang kaso ng nakakahawang sakit sa 2015, dahil sa patuloy na “unsafe sex practice” ng mga Filipino.

Pinaalalahan din ng kagawaran na ang pag-iwas sa unsafe sex practice ay isa sa paraan upang makaiwas sa HIV.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply