Facebook founder Mark Zuckerberg ika-35 sa world’s billionaire

NASA ika-35 puwesto na ng pinakamamayaman o bilyonaryo sa mundo ang founder at CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg.

Ayon sa taunang listahan ng “world’s richest billionaires” ng Forbes magazine, si Zuckerberg ay nasa ika-35 posisyon na may net worth na umabot na sa $17.5 billion.

Nadagdagan kasi ng $4 billion ang kanyang yaman, kaya 17 puwesto ang nilundagan ng FB founder.

Ang pagyaman ng 27-anyos na si Zuckerberg ay sumasalamin kung gaano kasikat ang social networking site na Facebook.

Samantala, nanguna ang Mexican tycoon na si Carlos Slim sa listahan ng Forbes mag

Si Slim ay tatlong sunud-sunod na taon nang nanguna.

Sa pagtaya ng Forbes mag, ang yaman ni Slim na binubuo ng mga telecommunications at construction ay aabot sa $69 billion (£44bn).

Ikalawa pa rin ang Microsoft founder na si Bill Gates na may $61 billion.

Sinundan naman ito ni Warren Buffett, isang US investor na may $44 billion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply