Charice gaya-gaya kay Avril Lavigne

INAMIN ngg You-Tube singing sensation na si Charice Pempengco na nais niyang magkaroon ng image gaya nina pop superstar Avril Lavigne at Rihanna.

Masasalamin umano ito sa kanyang bagong image.

Yep! May bagong look ngayon ang Pinay International singing sensation.

Pinagupit na ni Charice ang kanyang mahabang buhok at ngayon ay mayroon nang blonde short hairdo.

Maliban dito, nagpa-tattoo rin si Charice sa kanyang left forearm.

“Love Eternally” ang tattoo ng batang singer kung saan nakalagay sa pagitan ng dalawang salita ay isang Infinity sign.

Sa bagong look ay nais niyang ipakita ang kanyang rock side.

Nasanay daw kasi ang mga fans sa kanyang dating image na partikular na tinukoy ang pigtail at puro ballad ang kinakanta.

Nagbago man ng hairdo at image ang batang singer ay hindi naman umano siya nagbago (sa ugali).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply