Pope Benedict XVI nakiramay sa mga naulila ni Cardinal Sanchez

NAGPAABOT na ng kanyang pakikiramay si Pope Benedict XVI sa mga kaanak na naulila ni Cardinal Jose Sanchez na yumao kahapon (Biyernes, Marso 9) sa edad na 91.

Ayon sa ulat ng Vatican Information ngayon, sa pamamagitan ng isang telegrama ay inilahad ng Santo Papa ang kanyang pagkilala sa mga kontribusyon ng yumaong kardinal.

Ang telegrama ay ipanadala kay retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Nabatid na ginunita ng Santo Papa ang dedikasyon ni Cardinal Sanchez bilang pari at obispo sa Pilipinas. Maging ang paninilbihan sa Roman Curia ni Sanchez sa ilalim ng panunungkulan ni Blessed John Paul II ay pinuri rin ng Santo Papa.

Namatay si Cardinal Sanchez sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa San Juan City kahapon, dakong 4:50 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply