Negosyante nilikida sa Davao City

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagsa-shine ng sapatos sa loob ng kanilang bahay sa Davao City kagabi (Marso 11).

Base sa report, daglian ang naging kamatayan ng negosyanteng si Rexzie Butiong Odvina, nakatira sa Blk.9 Lot 2, Mamay Village, Brgy. Davao matapos itong barilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, biglang pumasok ang salarin sa bahay at walang sabi-sabing pinagbabaril ang nabiglang biktima.

Matapos maisagawa ang pamamaril ay agad na tumakas ang salarin sakay ng getaway motorcycle na kulay dilaw na walang plate number.

Mabilis na itinakbo sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa lungsod ng Davao ang biktima ngunit nalagutan din ng hininga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply