Labi ng OFW na nag-suicide sa HK iuuwi na sa Pinas

NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na iniulat na nagpakamatay sa Hong Kong, bukas (Marso 15).

Sa ngayon, inaasikaso na ng Philippine Consulate sa Hong Kong ang repatriation ng labi ng Capizeñang si Cherry Mae Genova.

Apat na araw na namalagi sa Hong Kong si Vice Governor Esteban Contreras upang personal na alamin ang mga pangyayari sa pagpapatiwakal ni Genova.

Sa pagbabalik ni Contreras sa Pinas, kanyang ibinahagi ang naging pakikipag-usap sa mga pinuno ng konsulada na nagbigay sa kanya ng inisyal na imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.

Batay umano sa imbestigasyon, walang nakitang foul play ang kapulisan sa insidente.

Napansin din umano ng mga employer at mga kasamahan sa simbahan na naging malulungkutin si Cherry Mae, dalawang linggo bago naganap ang insidente na kabaligtaran sa kanilang nakasanayan kapag kasama ang biktima.

Hindi na rin umano nakakatulog ng maayos si Cherry Mae, na parang depressed at Bibliya na lamang ang kaharap bawat gabi.

Samantala, nangako naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagbibigay ng kaukulang suporta sa naiwang pamilya ni Genova.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply