Summer job sa mga estudyante 52 araw lang– Dole

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga estudyanteng nais mag-summer job, na papayagan lamang silang maghanapbuhay ng hanggang 416 oras o katumbas ng 52 araw.

Ayon kay Lorna Obidoza, Officer-in Charge ng Developmental Department ng Technical Services ng Dole-National Capital Region (NCR), tulad ng Department of Education ay suportado rin ng Kagawaran ang summer job para sa mga estudyante dahil magandang pagkakataon ito para kumita habang bakasyon.

Kinakailangan lamang na nasa edad na 15-25 taong gulang at maipakita ang Baptismal o Birth Certificate sa Public Employment Service Office ng mga local government unit.

Ayon kay Obidoza, maaaring magtrabaho din ang mga out-of-school youth sa kondisyon na makapag-enroll din ang mga ito sa loob ng isang taon.

Babayaran ng LGUs ang 60% ng sweldo depende sa lugar o rehiyon sila nandoon; habang 40% ay sagot ng Dole na makukuha pagkatapos ng summer job.

Kung sa pribadong establisimyento naman makakapagtrabaho, kailangan ay hindi bababa sa 70% ng minimum wage sa lugar ang pasuweldo sa mga estudyante para na rin umano sa proteksyon ng mga regular na empleyado na hindi sila mapapalitan ng mga estudyante, na mas mababa ang sahod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply