Haponesa binurdahan ng saksak ni mister, dedo

PINAGSASAKSAK ng isang mister ang kanyang sariling misis na Haponesa sa Cebu province kaninang madaling araw.

Nagtamo ng walong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Kotoka Kadji Delina, 32-anyos residente ng Barangay Basak, Lapu-Lapu City.

Pinagsisihan naman ng suspek na si Dexter Delina, 27-anyos ang pagpatay sa kanyang asawa pero gayunpaman ay sasampahan pa rin ito ng kasong parricide.

Si Delina ay nakaditine na ngayon sa Lapu Lapu City Police Office (LLCPO).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2:45 kaninang madaling araw sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Bago ito, nabatid na sa hindi pa malamang dahilan ay nag-away ang mag-asawa na humantong sa paghahamon ng hiwalayan kahit pa may isa silang anak.

Nabatid na pinalalayas din ni Dexter ang kanyang misis pero nang palabas na ito ng kanilang bahay ay sinaksak niya ito ng ilang beses sa likod, dibdib at sa kamay.

Humingi naman agad ng tulong sa kapitbahay ang katulong ng mag-asawa na siyang nagpunta sa istasyon ng pulisya para i-report ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply