May edad na’y papa’s boy pa!

KALOKAH! Ano pa ang silbi ni Joji Dingcong bilang manager ni Derek Ramsay kung ang mismong alagang hunk actor ay hindi siya pinahahalagahan? Nandiyan na si Joji para makipag-negotiate sa anumang offer na dumarating pero sa Amerikanong daddy pa rin ni Derek ipinagkakatiwala ang kanyang showbiz career.

Compared kay Joji, ang ama ang mas pinagdedesisyon ng aktor kaya minsan, nasisira ang diskarte nito. Tingnan n’yo na lang ang sitwasyon ngayon ni Derek sa ABS-CBN. Maganda naman ang naging treatment sa kanya ng number one network pero kung anu-ano ang demands yata ng daddy ni Derek kaya naguguluhan din ang istasyon kung ano ba talaga ang gusto ng kampo ng aktor.

Noong time na si Joji lang ang kanilang ka-deal, wala silang problema. Pero ngayon medyo hindi na okey. May demand pa raw ang ama ni Derek na bigyan ng teevee program ang anak na may kinalaman sa sports na nakahihiligan nito. Ano ba ‘yan? Saan pa siya isisiksik eh may Sports Unlimited na at kung anu-ano pang sports program ang ABS-CBN. Mas bagay kay Derek ang maging drama sexy actor at dito siya tinatangkilik ng fans.

Mahirap bang intindihin ‘yan? Kayo rin, kamatayan ng career ni Derek kapag tuluyan n’yo siyang ilipat sa TV5. Expired na kasi ang contract ng actor sa ABS-CBN so nasa kanila na ang desisyon kung mag-i-stay sila o hindi.

Kalibog (nakalilito) gyud!

***

Akoy at Phina ng Panghulo National High School champion sa Pinoy Henyo High-Alumni Edition

GRABE! Naging exciting talaga ang labanan last Saturday sa Pinoy Henyo High Final Exams (Grand Finals) sa Forever Eat Bulaga. Anim na grupong finalists ang nagtunggali para masungkit ang pagiging champion. At sila ay ang mga mag-partner na estudyante ng Ramon Avenzena High School na sina Ramon and Hermie, Ronie and KC ng Cabuyao National High School, Merlie and Alma of Meycauayan College, Novaliches High School with their representatives Roni and Jun at Gelah and Jhayel ng Ismael Mathay Sr. High School.

Itinanghal namang champion na sobra ang talas ng isipan at galing sa pagsagot na sina Akoy at Phina na mula sa Panghulo National High School sa Malabon. Nakalulula ang cash prize na tinanggap ng mag-partner na mag-aaral na ito.

Tumanggap sila ng tumataginting na P300,000 cash mula sa Bulaga. At para naman sa pinasukang eskuwelahan na PNHS kung saan dito rin sila nagtapos, pinagkalooban naman ito ng kalahating milyong piso.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga principal at mga guro ng naturang school ganoon na rin nina Akoy at Phina sa Eat Bulaga Dabarkads lalung-lalo na kina Bossing Vic Sotto at Tito Joey de Leon na mga regular host ng Pinoy Henyo, ang Pambansang Laro ng bansa.

Bravo gyud!

***

PERSONAL: Nais ko lang i-congratulate, my BFFT Pete A., ang anak-anakan kong si John Paul Yao who graduated in prep with honors sa school nito na Beezy Bees Learning Center in Novaliches Q.C. Top 1 at Best in English ang aming si Baby Coycoy (tawag namin kay John Paul) na artistahin ang dating at type mag-join sa Goin Bulilit at maging commercial model.

Siyempre pa, hindi lang kami ang proud kay Coycoy kundi ang beloved parents rin niya na sina Christian Yao at Ellen Dua Yao. Ipinagmamalaki naman ng school ni Ma’am Ma. Lolit Rivera, na owner ng Beezy Bees at teacher rin, ang matalino at bibo nilang student na si John Paul. Congrats and cheers gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply