Wala kang utang na loob, Sharon Cuneta!

NAKATANGGAP ang isang lady scribe naming friend ng e-mail na ipinagtatanggol ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa laban kay Sharon Cuneta.

Mukhang galing ito sa kampo ng mag-asawa at hindi sa basta-basta lang na basher dahil nag-flashback pa ang nagpadala kung paano nagsimula sa showbiz ang Megastar sa tulong ng showbiz couple.

Narito ang nilalaman ng e-email: “Sino ba ang nakalimot? Who discovered Sharon Cuneta?

“Sina Sen. Tito Sotto lang naman na dating vice president ng Vicor Music Corp. and nag-produce ng first hit ni Mega na Mr. DJ. Kahit ang unang recording ni Mega na Tawag ng Pag-ibig ay naging flop at hindi pinansin ng mga recording companies noong mga panahong iyon.

“Kung tutuusin, walang Shawie kung walang nagtiyaga sa kanya. Sa hidwaan nina Sharon at Ms. Helen Gamboa, palaging lumalabas na malaki ang utang na loob ni Tito Sen. kay Mega pero ang katotohanan ay si Ate Shawie ang dapat tumanaw ng utang na loob sa taong tumulong na maipasok siya sa industriya.

“Sino ba ang nakalilimot? Mega, wag mong kalimutan ang kasabihang ‘Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.’”

“Mula pumasok sa pulitika si Tito Sen, minsan lang pala tumulong at nag-endorse si Mega. Nakahihiya mang sabihin pero Sharon cannot take credit to the political career of Sen. Sotto just with one commercial.”

“Sana naman hindi umakyat sa ulo ng Mega ang kanyang popularidad. Unti-unti na kasing lumalabas ang mga nega word kay Ate Shawie. Ang dami na niyang nakaaway na wala naman talagang katuturan kung tutuusin.”

“Stay humble, kasi maraming tumitingala sa iyo. Alalahanin mo ang mga taong tumulong sa iyo along the way.”

Well, kung nais mag-react ni Sharon at idepensa ang sarili, bukas ang aming kolum.

***

Alessandra da Rossi inilalampaso sa acting sina Lovi at Heart

MINAMANI-MANI na lang pala ni Alessandra da Rossi ang role bilang bastard sister nina Lovi Poe at Heart Evangelista sa “Legacy” ng GMA7. It is just like saying na nakahihigit siya sa dalawa na sisiw na sisiw sa pag-arte. Na kahit daw nakapikit ang kanyang mga mata, kaya niyang bigyang-buhay ang role niya.

“Madaling gawin so ‘yung script, binabago ko na lang para mas pagandahin ang mga eksena,” pagmamalaki pa niya. “Kami nga ni Maritoni Fernandez, who plays my mom, pinaglalaruan namin ang mga eksena namin at nag-adlib kami para mas kwela lumabas. Mga kontrabida kami rito, pero nakatatawang mga kontrabida. Ang character ko, laging may punchline. Not like my past villain roles na sobrang sama ko kaya pinatay o kaya, like sa ‘Sinner or Saint,’ naloka kaya dinala sa mental hospital. Kaya naman ang feedback sa public, aliw na aliw sila sa mga kalokohan ko rito. I’m really happy with GMA at sa ‘Legacy’ dahil tuluy-tuloy kong nababayaran ang hulog sa house and lot ko na five years to pay pa.”

At dahil din dito, may pampamasahe ako para mapauwi ko sa Pilipinas ang parents ko and my two sisters this coming summer. Kaya lang, dahil tuluy-tuloy ang kita ko, naku, andaming nangungutang sa akin. Tuwang-tuwa nga kami nina Heart at Lovi as we were told ‘Legacy’ is extended for two months. Aabutin pa raw kami hanggang May kaya big blessing ‘yun.”

Gusto raw niyang makasama si Alden Richards?

“Natutuwa lang ako sa bata kasi mukhang napakabait. Sa kanya lang ako papayag makipag-love scene. Joke. Kaya lang, di naman kami puwedeng gawing lovers. Ano ako? Ate niya?”

She’s all set to start a new indie film with Coco Martin and Angel Aquino, directed by Manny Palo. “I enjoy doing indie films kasi kakaiba sila. The last two I did are both award winners, ‘Ka Oryang’ na best picture sa Cinema One filmfest at ‘Busong’ na winner din sa Cinemalaya. ‘Busong’ pala is all set for its theatrical release this April kaya abangan n’yo.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply