Rep. Pacquiao naghain ng counter affidavit sa BIR

NAKAPAGHAIN na ng counter affidavit si Sarangani Rep. Manny Paquiao para sagutin ang kaso na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue BIR kaugnay sa alegasyong hindi siya sumunod sa summon ng ahensya.

Dahil dito, pag-aaralan ngayon ng Koronadal City Prosecutors Office kung may sapat na basehan ang BIR para kasuhan o hindi si Pacquiao.

Nauna rito, napa-ulat na iuurong na BIR Region-12 ang kasong paglabag sa Section 266 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na kanilang isinampa laban kay Pacquiao kung isusumite na nito sa kanilang tanggapan ang hinihinging tax records.

Ayon sa BIR-12 Regional Director Atty. Rozil Lozares, hindi na sana lumaki ang isyu kung sumunod lamang agad ang kampo ng kongresista sa kanilang summon.

Aniya, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho bilang pagtalima sa batas ng BIR.

Kaugnay nito, bigo naman Pacquiao na makuha ang suporta ng kapwa mga mambabatas sa kanyang pakikipaglaban sa ilang opisyal ng BIR.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte, na dapat dumaan sa normal na proseso si Pacquiao sa halip na humanap ng presidential intervention para maresolba ang gusot sa pagitan nito at ng BIR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply