DOH sa mga may-sakit: Manatili sa bahay ngayong Holy Week

DAPAT umanong manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan ang mga taong may sakit at doon magnilay at manalangin, sa halip na lumahok pa sa iba’t ibang relihiyosong aktibidad ngayong Holy Week.

Ang payo ni Dr. Lyndon Lee-Suy, program manager for Emerging and Re-emerging Diseases ng Department of Health (DOH), ay bunsod na rin ng nakaugalian na ng maraming pamilyang Pilipino na magsagawa ng mga relihiyosong debosyon tuwing Mahal na Araw tulad na lamang ng Station of the Cross, Visita Iglesia, pilgrimage sa iba’t ibang relihiyosong lugar at pagdalo sa mga prusisyon.

Ayon kay Lee-Suy, kung may sakit ang isang tao ay hindi na ito dapat pang lumahok sa mga aktibidad na maaari lamang makapagpalala sa sitwasyon nito.

Bukod dito, maiiwasan ring makahawa ng ibang tao ang mga taong may sakit kung mananatili na lamang sila sa kani-kanilang tahanan.

Giit ng DOH official, hindi lamang ang sariling kalusugan ang dapat na pangalagaan ng publiko, kundi dapat ding isaalang-alang ang kapakanan ng iba. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply