Pamangkin ng meyor ng Marikina utas sa ambush

PATAY sa ambush ang babaeng pamangkin ni Marikina Mayor Del de Guzman sa Marikina City kagabi (Marso 30), ayon sa ulat ng pulisya.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Cheryl Tan, 36-anyos.

Tinutugis na ng Marikina City Police para panagutin sa krimen ang dalawang hindi nakilalang kalalakihang lulan sa isang walang plakang motorsiklo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:00 kagabi sa Tandang Sora St., Barangay Parang sa Marikina City.

Bago ito, minamaheno ng biktima ang kanyang motorssiklo at angkas ang isang nagngangalang Jinky Medina nang buntutan sila at pagbabarilan ng mga suspek..

Paniwala naman ng pulisya na ang target talaga lang ng mga suspek ay si Tan dahil ni galos ay hindi tinamaan si Medina.

Hindi naman makumpirma pa ng pulisya na ang pagpatay kay Tan ay may kinalaman sa kanyang tiyuhin na si Mayor Del de Guzman.

Iniutos naman agad ni De Guzman ang malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente para matukoy agad kung sino ag nasa likod ng pamamaslang sa kanyang pamangkin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply