13-anyos na totoy minolestiya ng Canadian

ARESTADO ang isang Canadian national makaraang maaktuhan ng barangay tanod na minomolestya ang isang 13-anyos na lalaki sa Parañaque City kaninang madaling araw.

Ayon kay Executive Officer ng barangay Baclaran, nakatanggap sila ng impormasyon na isang batang lalaki ang minomolestiya ng 70-anyos na Canadian national sa loob ng isang tricycle sa kanto ng Thomas Claudio at Unida sts.

Nang rumesponde ang mga opisyal ng barangay, naaktuan ang dayuhan habang pinaghahalikan ang bata.

Nakilala ang suspek sa pangalang Victor Swervacov.

Kinumpirma naman ng tinutuluyang lodging house ng dayuhan sa Quirino Avenue, Baclaran, Parañaque City ang pangalan ng dayuhan na ginagamit sa paglo-log-in sa kanilang establisimiyento noong nakalipas na araw, pero hindi nagagalaw ang bagahe nito at nasa loob pa ang kanyang pasaporte.

Inihahanda na ngayon ng Women’s and Childrens Desk ng Parañaque City Police ang kasong Child Abuse (RA 7610).

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 13-anyos na biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply