13 opisyal ng DOF sibak sa pandaraya

SINIBAK ngayon sa tungkulin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang 13 opisyal ng Deparment of Finance (DOF) dahil sa panloloko sa gobyerno ng salaping umabot sa P82 milyon galing sa mga “tax credit scam” mula 1994 hanggang 1998.

Sa desisyon ni Morales, sina dating Finance Undersecretary at Center OIC-Administrator Antonio Belicena, dating Deputy Administrator Uldarico Andutan, Jr., mga reviewer na sina Rowena Malonzo at Asuncion Magdaet, mga evaluator na sina Gemma Ortiz-Abarra, Annabelle Diño, Emelita Tizon, Purita Napenas, Charmelle Recoter, Melrose Tordesillas, Gregoria Cuento-Evangelio, Mark Binsol, Cherry Gomez at Sylviana Daguimol ay guilty sa kasong grave misconduct.

Dahil dito, tinanggal sila sa trabaho at pinawalang bisa ang kanilang civil service eligibility kaya hindi na sila makapagtatrabaho pa sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo Special Presidential Task Force 156 kung saan inakusahan nilang maanomalya ang pag-iisyu ng 110 Tax Credit Certificates (TCC’s) sa Integrated Multi Cotton Mills, Inc. (IMCMI) na nagkakahalaga ng P82,519,235.

Gumamit umano ang IMCMI ng mga pekeng dokumento upang makuha ang mga ito.

Ang ilan pang kompanyang tinulungan nilang makakuha ng TCCs gamit ang mga pekeng dokumento ay ang Wise & Co., Bush Boake Allen Phils., Filsyn Corporation, Hi-Lon Manufacturing Co., Canlubang Spinning Mills, Pacific Mills, Inc., Golden Dragon Textile Mills, Inc., First Unity Textile, Padoson Stainless Steel, Pacific Mills at Pilipinas Shell Petroleum Corporation.

Pinakasuhan na rin ni Morales sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng One-Stop Shop Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center (Center) dahil sa maanomalyang pag-isyu ng TCCs na nagkakahalaga ng P74.84 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply