14-anyos nalunod sa ilog, dedo

PATAY ang isang 14-anyos na batang lalaki makaraang malunod nang maglakas-loob na lumundag sa ilog sa Quezon City, kahapon (Marso 25).

Kinilala ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang namatay na biktima na si John Hendrick, taga-Barangay Damayang Lagi, Q.C.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 7:00 kagabi sa San Juan river sa nasabing lugar.

Nauna rito, sinabi ng kaibigan ng biktima na si Benjie, na dakong tanghali kahapon niyaya umano siya ni Hendrick sa tabing ilog upang magpababa aniya ng kanilang kinain pagkatapos mananghalian.

Pagsapit umano nila sa tabing ilog ay biglang naghubad ng kanyang t-shirt ang biktima at lumundag sa naturang ilog.

Nalunod ang biktima dahil hindi pala ito marunong lumangoy, bukod pa sa mataas ang tubig dahil high tide ng mga oras na iyon.

Tinangka pa raw ni Benjie na sagipin ang biktima pero dahil sa laki ng tubig ay nabigo siyang masagip ang kaibigan.

Dahil dito humingi ng tulong si Benjie sa kanilang barangay na agad namang tumawag ng Coast Guard para masagip ang biktima na natagpuan sa ilalim ng tubig matapos ang may ilang oras ng search and retrieval operation sa ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply