14 K9 dog sinanay ng PCG

SUMAILALIM sa pagsasanay ang 14 na K9 dogs para na rin sa paghahanda sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong Semana Santa.

Ito mismo ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayon.

Ayon kay Admiral Tan, ang 14 na aso ay anak din ng kanilang mga K9 dog.

Sinabi pa ni Tan, na napapanahon ang ginawang pagsasanay sa K9 dogs lalo na ngayong nararamdaman na ang climate change at nakararanas na ang bansa ng pagguho ng lupa, lindol at pagbaha.

Naniniwala si Tan na malaki ang maitutulong ng mga bagong sanay na K9 dog para mapadali ang kanilang search and rescue operations tuwing may kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply