16 pulis na opereytor ng kolorum na PUV gigisahin

GIGISAHIN ng mas mataas na awtoridad ang may 16 na pulis kabilang ang isang police colonel matapos mabatid na operator ang mga ito ng kolorum na public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila.

Isinumite kamakailan ng Land Transportation Office (LTO) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pangalan ng may 15 pulis kasunod ng pagkakahuli sa kanilang kolorum sa mga nakalipas na linggo.

Ang pang-16 ay napag-alamang isang police colonel na mula sa Highway Patrol Group, na ang taksi ay nahuli ng pinagsanib na puwersa ng LTO, NCRPO at ng Metropolitan Manila Development Authority sa pagsisimula pa lamang ng pinalakas na anti-colorum drive nitong nakaraang Miyerkules, ayon kay LTO-NCR Director Teofilo Guadiz III.

Sa ikinasang anti-colorum operation sa southern part ng Metro Manila, 98 behikulo ang hinuli– 59 sa kanila ay dahil walang prangkisa at plying routes “out-of-line” at iba pang bayolasyon.

Dahil dito, nakipagpulong na si Guadiz kay NCRPO head Director Allan Purisima para pag-usapan ang problema sa mga uniformed personnel na pasimuno sa operasyon ng PUVs nang walang prangkisa sa metropolis.

Nauna nang sinabi ng LTO, na nakaaalarma na halos 30 porsiyento ng colorum vehicles na naka-engkuwentro ng ahensiya ay minamaneho o pag-aari ng police officers o sundalo, na anila’y banta sa seguridad ng traffic enforcers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply