19-anyos nahulihan ng baril sa Caticlan

NADAKMA ang isang 19-anyos na estudyante matapos ma-detect ang isang baril sa kanyang bagahe sa Caticlan jetty port.

Kinilala ang nadakip na si Mark Frederick Caliuanagan, residente ng Metro Police Tower sa Bacolod City.

Ayon sa ulat, patungo sana si Caliuanagan sa isang isla sa Boracay para magbakasyon.

Ngunit, na-detect ng X-ray machine ng jetty port ang .22 caliber magnum at dalawang empty shell sa kanyang bagahe.

Nang sitahin ay walang maipakitang dokumento si Caliunagan kaya mananatili muna siya sa kustodiya ng kapulisan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply