2.7 kls. ng shabu huli sa buntis na African

UMAABOT sa 2.7 kilo ng shabu ang nasabat ng awtoridad sa isa na namang dayuhan na sa pagkakataong ito ay buntis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Aicha Camara ng Guinea Republic, anim na buwang buntis, nakuhanan sa kanyang bagahe ng 2.7 kilo ng shabu habang sa NAIA Terminal 1.

Lumalabas na galing Abu Dhabi si Camara at dumating noong Marso 11 sa bansa. Pero bago pa man makaalis ng terminal ay nagmamadaling umalis ang suspek sa airport dahil sumasakit aniya ang kanyang tiyan  kaya iniwan nito sa conveyor ang kanyang bagahe.

Pero nang busisiin ng Custom police ang maleta ng suspek ay nadiskubre sa compartment nito ang shabu. Kaya nang balikan ni Camara ang kanyang maleta ay dito na siya dinakip ng mga pulis.

Nitong Linggo lamang ay isang babaeng mula sa Uganda naman ang nahuli ng NAIA operatives dahil din sa tangkang pagpuslit sa apat na kilong shabu papasok ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply