2-anyos sugatan sa sunog sa Aklan

NASUGATAN ang 2-anyos na babae makaraang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan.

Agad na isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima na si Shell Jamaica Castillo na nalapnos ang braso, kamay at paa.

Ayon kay Mrs. Rochelle Castillo, ina ng biktima, maaaring faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na dahil sa nakabukas na ilaw sa kwarto ng bata.

Dahil mainit ang panahon, mabilis na lumaki ang apoy at tumupok sa bahay ng pamilya Castillo na gawa lamang sa light materials.

Tumagal ng halos 45 minuto bago naideklara ang fire-out ng Bureu of Fire Protection.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply