2 bading na tulak tiklo sa Albay

NADAKIP ng pulisya ang dalawang bading nang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa Albay, Legazpi.

Dakong alas-2:00 kaninang hapon nang maaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Legazpi City PNP ang mga suspek na sina Ariston Paterno ng Brgy. Penaranda at Danilo Butch Ombao ng Brgy. Estanza, pawang miyembro ng third sex.

Nakuha sa kanila ang P14,000 halaga ng shabu.

Nabatid na nauna nang nahuli ng pulisya ang pamilya ng dalawa na pawang involve rin sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Samantala, pitong kalalakihan din ang nahuli ng pulisya dahil sa pagbebenta ng shabu sa Naga City.

Unang nahuli sa Barangay San Juan Bautista, Goa si Wilfredo Renieva Jr. at ang kasama nito na si Lincon Garchitorena.

Arestado rin sina Carlos Pusiño ng Barangay Napawon, anak ng kilalang negosyante sa lugar na nakuhanan pa ng tooter; Jake Arejola, Christian Plera Recomendable at si Sajib Buena Fernando Quidero, 41.

Nakumpiska sa kanila ang may .25 gramo ng shabu at ilang drug paraphernalia. Remate Online

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply