2 batang biktima ng sunog sa Tondo namatay na

NAMATAY na ang dalawang bata na biktima ng sunog na naganap sa Tondo, Maynila noong Biyernes (Marso 16).

Nakilala ang biktima na si Rolbie Layola,13, na nagtamo second degree burn habang papalabas sa nasusunog nilang bahay.

Si Layola ay isinugod pa ng kanyang ina sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ngunit pagkatapos ng ilang araw ay namatay nang magkaroong ng pneumonia.

Kaninang tanghali idineklara na ring patay sa nasabi ring pagamutan si Grace Garma habang nakaratay kasama ang sugatan niyang ina na si Cristy Garma.

Nabatid na ilang kapatid pa ni Grace ang nakaratay din sa nasabing ospital.

Nasa ospital pa rin si Girly Joy, 10, na nagtamo rin ng pinsala makaraan patalunin ng ina mula sa bubungan bago pa tuluyan madilaan ng apoy ang kanilang tahanan.

Matatandaang umabot sa may 35 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang may 13 kabahayan sa Bo. Roxas Barangay 227, Zone 21, District 2, sa Tondo, Maynila noong nakalipas na Biyernes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply