2 bus nagsalpukan, 17 nasaktan

NASAKTAN ang 17 pasahero nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa northbound lane ng Edsa-Santolan, sa Quezon City kaninang alas-5:45 ng madaling araw.

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang 11 sa mga biktima habang ang anim naman kabilang ang drayber ng Philtranco bus (TYZ-501) na si Cedir Paquiding ay itinakbo sa Quirino Labor Hospital (QLH).

Si Paquiding at ang tsuper ng JFT Liner (TYX-776) na si Wenshy Fernando na pabiyaheng Norzagaray, Bulacan ay kapwa inimbitahan sa Quezon City Police District Traffic Sector 5 para sa kaukulang imbestigasyon.

Nabatid na bago ito, tinatahak ni Paquiding ang kanyang minamanehong bus na biyaheng Ormoc, Leyte, ang Edsa nang bigla itong huminto sa Santolan road para magsakay ng pasahero.

Ayon kay Fernando, dagling nagpreno si Paquiding kaya nabangga niya ang huling bahagi ng minamanehong bus nito.

Dahil sa kolisyon, nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa nasabing kanto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply