2 bus nagsalpukan: 6 sugatan

TINATAYANG anim ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang bus sa Tagcawayan, Quezon province kaninang umaga.

Kinumpirma ni PO2 Nestor Lantin, chief investigator ng Tagcawayan PNP sa panayam sa radyo na nagkasagian ang AB Liner Bus mula Metro Manila papuntang Quezon at ang Super 5 Bus mula naman sa Bicol habang binabaybay ang Quirino Highway sa Barangay Bagong Silang sa naturang lugar.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang limang pasahero gayundin ang drayber ng AB Liner Bus.

Isinugod naman kaagad sa Magsaysay Memorial Hospital ang mga biktima habang swerte naman at walang nasugatan sa mga pasahero sa isang bus.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naturang pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply