2 child warrior nadakip sa Quezon Province

TATLONG rebelde kabilang ang dalawang menor de edad o tinatawag na child warrior ang naaresto sa operasyon ng tropa ng gobyerno sa isang remote village sa Quezon province kahapon (Marso 22).

Ayon kay Colonel Generoso Bolina, spokesman ng Southern Luzon Command (Solcom), ang tatlo ay nahuli sa bisinidad ng Sitio Tagbakin, Barangay Pansoy sa bayan ng San Andres ng nasabing probinsiya.

Nabatid kay Bolina na pawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga naaresto.

“They were captured after legitimate armed encounter yesterday and they were are NPA SPARU who were tasked to liquidate unwary AFP, PNP and Cafgu personnel,” wika ni Bolina.

Ang pagkakadakip sa tatlo ay dahil sa sumbong ng ilang concerned citizens na naghihinala na may presensya ng rebel sa nasabing lugar.

Ang dalawang menor de edad ay iti-turn-over sa DSWD habang ang isa ay nakatakdang sampahan kaukulang kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply