2 Chinese smuggler idineport ng BI

IPINATAPON ng Bureau of Immigration ang dalawang Chinese smuggler na pinaghahahanap ng mga awtoridad sa bansang China.

Kinilala ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang dalawang Chinese smuggler na ipinatapon na sina Cai Ming Xiang, 51 at Ke Wen Quan, 34

Ang dalawa ay ipinatapon nitong Marso 12, sakay ng China Southern Airlines flight patungong Xiamen, China.

Ani David, naaresto ng BI intelligence operatives ang dalawang Chinese fugitive nitong Marso 5 sa isang bahay sa Santol Street sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang pagkakaaresto kina Cai at Ke ay batay na rin hiling ng Chinese embassy na siyang nagbigay ng impormasyon sa BI hinggil sa criminal record ng dalawa.

“We were told that these fugitives are wanted for serious crimes, thus we have to deport them right away as we have issued the order for their expulsion,” ani David.

Nabatid din sa BI na walang dokumento at wala rin sa rekord ang pagdating ng dalawa sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply