2 domestic flight ng Zest Air kanselado

KINANSELA ng Zest Air ang kanilang dalawang domestic flight kaninang umanga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Aypon sa Media Affairs ng NAIA hindi na lumipad ang Zest Air  flight Z2660 na may biyaheng Manila-Masbate na aalis sana kaninang alas-5:10 ng umaga, at ang pabalik nitong flight Z2661 na alas-8:20 ng umaga ang biyahe.

Nauna rito, nagpalabas ng abiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may shallow low pressure area (LPA) sa bahagi ng Surigao City, na nagdudulot ng maulap na papawirin at pag-ulan sa Visayas at Northern Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply