2 flight ng PAL kinansela

KANSELADO na ngayon ang dalawang flight ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa power outrage sa Zamboanga.

Ayon kay Cielo Villaluna tagapagsalita ng PAL, kinansela ang fligt PR-125 at PR 126 patungo at pabalik Manila-Zamboanga na tutulak sana mamayang 5:05 ng  hapon dahil sa pagkakaroon ng power outrage ang Zamboanga airport.

Ang naturang paliparan ay mawawalan ng runway light sa safe landing ng mga eroplano mamayang 6:45 ng gabi kaya minarapat ng PAL na kanselahin ang biyahe nito.

Dahil dito, ang 27 pasahero ay isinakay ng PAL sa Air Philippines na tutulak patungong Zamboanga, ang mga pasahero naman na apektado sa kanselasyon ay isasakay sa PR 123 flight dakong 4:50 bukas ng umaga (Marso 25).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply